November 23, 2008

balitang new york

new york (cubao) - isang makasaysayang pulong ang naganap kung saan muling idineklara ng ilang miyembro ng kapatiran ang kanilang walang humpay na pagmamahal sa isa't isa at ang pangakong hindi na mag hihiwalay kailan man. ayon sa tagapagsalita ng grupo ang deklarasyon ay napagkasunduan lamang matapos ang isang matagal at mainit na pagtatalo.

pagmamahalan at wala ng iba pang katangian ang nangibabaw sa lahat, ayon sa mga saksi ang tambalang "guy en pip" ang kakaiba at natatangi sa kasysayan ng mga tambalan, ang siyang pagmumulan ng inspirasyon at gabay.

sa usapin ng mala kotrobersyal na pondong salapi, napagkasunduan na pagsasama-samahin ang lahat ng koleksyon at pantay pantay na hatian para sa lahat, walang matanda at walang banta, ang halagang dalawampung dolyar (canadian) ang pasimula.

pangako ng grupo na ito na ang hinihintay na hudyat ng karamihan at sa pamamagitan ng paglakbay sa dating daan ang bagong simula ay narito na. natapos ang makasaysayang pagtitipon nang naubos ang inumin at pagkain na kung saan nakapag uwi pa ang ilan sa mga dumalo.

(tabi-tabi po, bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit)

No comments: